Biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Bohol, Leyte at sa Camotes Islands kinansela ng Coast Guard
Kinansela muna ng Philippine Coast Guard (PCG) – Central Visayas biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Bohol, Leyte at Camotes Islands.
Kanselado na ang biyahe sa apat na isla na bumubuo sa Camotes Islands na kinabibilangan ng Poro, Pacijan, Ponson at Tulang.
Kabilang sa sinuspinde ang mga sumusunod na biyahe ngayong araw ng Biyernes (Aug 23):
– MBCA KCQ mula Bokok Wharf patungong Esperanza Port, Cebu via Ormoc City
– JUNMAR 2 mula Pilar patungong Poro Camotes Island
– JUNMAR 4 mula Pilar, Camotes patungong Ormoc City
Nauna nang inanunsyo ng coast guard na kanselado ang biyahe ng malilit na sasakyang pandagat patungong Bohol at Leyte galing Cebu.
Kabilang dito ang mga sumusunod na biyahe:
– MBCA Clemer 3 – Getafe to Cordova
– MBCA Clemer 28 – Getafe to Cordova
– MBCA KCQ – Bokok Wharf to Esperanza Poro Cebu
Sa abiso ng PAGASA ay moderate to strong ang forecast wind at coastal water condition sa Visayas ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.