Dating Foreign Affairs Sec. Yasay pinayagang makalabas ng ospital para humarap sa korte

By Jan Escosio August 23, 2019 - 10:01 AM

Magdamag na nanatili sa Manila Doctors Hospital si dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay.

Ito ay matapos tumaas ang kanyang blood pressure nang arestuhin siya sa kanyang bahay sa Makati City dahil sa kasong kriminal.

Sa post ni Yasay sa kanyang Facebook account sinabi nito na doktor at nurse ng Manila Police District ang nagrekomenda na rin na dalhin siya sa ospital.

Ngunit pinayagan din siya ng kanyang doktor na lumabas para dumalo sa kanyang bail hearing sa Manila RTC Branch 10.

Kinakailangan naman na makabalik din agad sa ospital si Yasay para muling sumailalim sa panibagong serye ng medical tests.

TAGS: bail hearing, bank laws, court, manila rt, yasay, bail hearing, bank laws, court, manila rt, yasay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.