Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni DA Spokesperson Noel Reyes, aabot sa P270 billion na halaga ng livestock industry ang maaring maapektuhan dahil sa pangamba sa ASF.
Maliban dito, hindi lang aniya mga hog raiser ang apektado kundi maraming iba pang negosyante at mga manggagawa.
Ito aniya ang dahilan kaya kailangang i-manage ng DA ang sitwasyon para hindi lumikha ng matinding panic sa publiko.
Katunayan ayon kay Reyes hawak na ng DA ang resulta ng local laboratory test na isinagawa sa mga baboy sa apektadong lugar.
Pero hindi ito ilalabas ng DA hangga’t wala ang resulta ng confirmatory test na isinagawa sa International Laboratory na accredited ng World Organization for Animal Health.