Sapat na pondo para sa pabahay pinatitiyak sa DBM

By Erwin Aguilon August 23, 2019 - 09:50 AM

Nais masiguro ni House Assistant Majority Leader Julienne Baronda na may sapat na pondo para sa pabahay sa mga mahihirap sa 2020.

Nababahala si Baronda sa patuloy na pagtaas ng informal settlers sa bansa sa 1.5 million noong 2011 sa 2.2 million noong 2015.

Nabatid pa na umabot sa 5.7 million ang housing backlog mula 2011 hanggang 2016 at kinakailangang makapagtayo ng 2,602 na housing unit kada araw sa susunod na anim na taon para masolusyunan ang backlog.

Kinwestyon din nito kung bakit pababa ang trend ng budget for Housing and Community Amenities mula P11.61 billion nung 2017, P7.5 billion sa 2018 at 5.5 billion sa 2019.

Pero, siniguro naman ni Budget Acting Sec. Wendel Avisado na tumaas naman ang pondo para sa housing batay sa inaprubahang GAA mula P6.296 billion noong 2018 ay tumaas ito sa P8 billion sa 2020.

Iginiit naman ni Avisado na anuman ang nakalagay sa NEP ay hindi masusunod at ang susunding alokasyon ay ang 2020 GAA na inaprubahan ng Kongreso at ng pangulo.

TAGS: 2020 budget, DBM, national budget, 2020 budget, DBM, national budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.