Water level ng Angat dam sumampa na sa 178-meter level

Karamihan sa mga dam sa Luzon ay nadagdagan ang water level sa nakalipas na 24 na oras.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes, Aug. 23 ang Angat dam ay nasa 178.11 meters.

Ang Ipo dam naman ay nasa 100.65 meters ang water level habang ang La Mesa dam ay nasa 76.72 meters.

Tumaas din ang water level ng Ambuklao, Binga, at Pantabangan.

Habang nabawasan naman ang water level sa San Roque, Magat at Caliraya.

Read more...