Dalawang spa sa QC na nag-aalok ng ‘extra service’ sinalakay ng mga pulis; 20 babae ang nailigtas

By Dona Dominguez-Cargullo August 23, 2019 - 08:34 AM

Dalawang spa sa Quezon City ang sinalakay ng mga otoridad dahil sa pag-aalok umano ng ‘extra service’.

Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ang dalawang establisyimento na nasa Barangay N.S Amoranto at Barangay Sto. Domingo.

Sa isinagawang operasyon tatlong manggagawa ng spa ang nadakip at nailigtas naman ang 20 babae kabilang ang dalawang menor de eadad,

Ayon kay Police Lt. Col Maria Sheila Portento, hepe ng anti-trafficking in persons division ng WCPC, sasampahan ng karampatang kasong may kaugnayan sa anti-trafficking at child abuse ang operator ng dalawang spa.

Dalawang linggong isinailalim sa surveilance ang spa bago ginawa ang operasyon.

 

TAGS: extra service, Philippine National Police-Women and Children Protection Center, quezon city, spa, extra service, Philippine National Police-Women and Children Protection Center, quezon city, spa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.