Miley Cyrus nagsalita sa isyung nagtaksil siya sa asawang si Liam Hemsworth

By Dona Dominguez-Cargullo August 23, 2019 - 08:08 AM

Hindi napigilan ng singer na si Miley Cyrus na maglitanya sa kaniyang Twitter account dahil sa mga akusasyong nagtaksil siya sa awasang si Liam Hemsworth.

Nag-post ng mahabang thread sa Twitter si Cyrus para sagutin ang mga paratang na ang pangangaliwa nya ang dahilan ng hiwalayan nila ng aktor.

Ayon kay Miley marami siyang naging pagkakamali sa kaniyang buhay pero hindi siya nagtaksil kay Liam.

Inisa-isa pa nga ni Miley ang mga nagawa niya noong pagkakamali kabilang ang pagtataksil sa mga nagdaan niyang relasyon, ang pagkakatanggal sa kaniya sa cast ng Hotel Transylvania dahil sa pagbili niya ng cake na hugis na ari para kay Liam, pagsakay sa wrecking ball ng hubad, at paglaganap ng kaniyang hubad na larawan sa internet.

Sinabi ni Miley na committed siya at seryoso siya kay Liam. Tumagal aniya ng dekada ang kanilang relasyon dahil sa totoong pagmamahal.

Kinailangan lang aniyang dumating sa punto na magkaroon sila ng healthy decisions sa kanilang buhay kaya sila naghiwalay.

Sa kabila ng mahabang paliwanag, hindi pa rin naman sinabi ni Miley kung ano talaga ang dahilan ng hiwalayan nila ni Liam.

TAGS: divorce, liam hemsworth, Miley Cyrus, divorce, liam hemsworth, Miley Cyrus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.