Sen. Go kay Sanchez: Huwag nang mangarap na makalabas ng Bilibid

By Len Montaño August 23, 2019 - 04:49 AM

Sinabihan ni Senator Bong Go ang convicted rapist at murderer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na huwag nang mangarap na makakalaya pa ito.

Ayon kay Go, dapat nang itigil ni Sanchez ang pangarap na makalalabas pa siya ng New Bilibid Prison.

Nais ni Go na patuloy na pagbayaran ni Sanchez ang kasalanan nito sa kulungan.

Sinabi pa ng senador na baka nga mas ligtas pang lugar ang NBP para sa dating alkalde.

“Mr Sanchez, ‘wag ka nang mangarap na makalaya pa. Ipagpatuloy mo na lang pagbayaran ang mga kasalanan mo dyan sa loob, kaysa lumabas ka, baka umikli pa ang iyong buhay,” ani Go.

Pero ang pahayag ni Go ay taliwas sa unang posisyon ng kanyang kapartido at kapwa Senador na si Ronald Dela Rosa na deserve umano ni Sanchez ang “second chance.”

Kalaunan ay sinabi ni Senator Bato na dapat ay binitay na noon pa ang dating alkalde dahil sa ginawa nitong karumal-dumal na krimen.

 

TAGS: Antonio Sanchez, makalaya, new bilibid prison, pangarap, senator bong go, Antonio Sanchez, makalaya, new bilibid prison, pangarap, senator bong go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.