Misis patay matapos magbaril sa sarili sa Maynila

By Rhommel Balasbas August 23, 2019 - 04:45 AM

Nasawi ang isang babae matapos umanong magbaril sa sarili habang nasa loob ng nakaparadang sasakyan sa Quiapo, Maynila Huwebes ng hapon.

Ayon sa Manila Police District (MPD), ang babae ay si Ellaine Timola, 32 anyos at sugatan din matapos niyang barilin ang asawang si Alex Timola, 32 anyos.

Kapwa residente ang dalawa sa Bilibid Viejo Street.

Ayon sa mga testigo, nakarinig sila ng magkasunod na putok habang nakaparada ang sasakyan ng mag-asawa sa harap ng YMCC Building.

Nakita na lamang na duguan si Alex sa driver’s seat habang nasa passenger seat naman ang nakahandusay nang si Ellaine.

Ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO), may hawak ang misis na kalibre .38 na baril na sinasabing ginamit sa pagbaril sa mister bago barilin ang sarili.

Kritikal ngayon ang kundisyon ng mister at patuloy na nire-revive.

Napag-alamang galing sa Brgy. Hall ang mag-asawa bago naganap ang pamamaril dahil sa isyu ng kanilang mga utang na aabot sa P2 milyon.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

 

TAGS: Babae patay, driver’s seat, manila, Manila Police District, nagbaril, nakaparadang sasakyan, P2 milyon, quiapo, SOCO, utang, Babae patay, driver’s seat, manila, Manila Police District, nagbaril, nakaparadang sasakyan, P2 milyon, quiapo, SOCO, utang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.