5 patay, higit 100 sugatan sa kidlat sa Poland at Slovakia
Nasawi ang lima katao habang higit 100 pa ang sugatan matapos ang pagtama ng kidlat sa Tatra Mountains sa Southern Poland at katabing bansa na Slovakia araw ng Huwebes.
Ayon sa mga residente, bigla na lamang sumungit ang panahon at tumama ang mga kidlat sa tuktok ng Mt. Giewont at sa iba pang bahagi ng Tatras Mountains.
Ayon sa tagapagsalita ng Polish air ambulance service na si Kinga Czerwinska, apat ang nasawi sa Poland kabilang ang dalawang bata.
Isa naman ang nasawi sa Slovakia ayon sa gobyerno.
Sakay ng eroplano, dinala ang ilan sa mga nasugatan sa isang ospital sa Zakopane.
Personal na tumungo si Prime Minister Mateusz Morawiecki sa ospital at nakita ang sitwasyon ng mga nasugatan kung saan ilan anya sa mga ito ay kritikal ang lagay at nagtamo ng severe burns at head injuries.
Tymczasem w #zakopane jakby wojna! #podhale #thunder #grzmot #pioruny #thunderstorm pic.twitter.com/IG8m9DnAdx
— Maciej Kleniewski 🇪🇺🇵🇱 (@mkleniewski) August 22, 2019
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.