SP Sotto tutol sa paggamit ng transwomen sa restroom ng mga babae
Mariiing tinutulan ni Senate President Tito Sotto ang ideya na payagan ang transgender women na gumamit ng mga comfort rooms para sa mga natural born women.
Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni Sotto na kapag nangyari ito, maaaring masagasaan naman ang karapatan ng mga babae.
Posible anyang sagrado para sa mga babae ang comfort room.
“I now feel very strongly about it because it has turned from a transgender rights to a women’s rights. This is now an issue on women’s rights because I feel that a woman’s body is a temple and to her, the toilet is sacred. It’s where she has a weakest point,” ani Sotto.
Ang pahayag ni Sotto ay matapos ang ilang ulat na ilan sa mga transgender women ay nag-uusap tungkol sa kanilang mga ari sa loob mismo ng CR ng mga babae dahilan para makaramdam ng discomfort ang mga natural born women.
Nang suwayin ang nasabing mga transgender women, nagbanta ang mga ito na vivideohan ang sumita para maipakita na nakararanas sila ng diskriminasyon.
Ayon kay Sotto, hindi pa man naipapasa ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality (SOGIE) bill ay naabuso na ito.
“So dun pa lang kita mo, wala pa ito (Sogie bill), ina-abuse na. So that’s another problem,” dagdag
Nauna nang sinabi ng senate president na hindi papasa sa Senado ang panukala.
Payo ni Sotto, kung mayroong ari na pang lalaki, hindi dapat gumagamit ng CR ng pambabae at pumunta na lang sa para sa mga lalaki.
“Kaya kung ikaw meron kang sandata, hindi ka dapat doon nagsi-CR. You go to the men’s room,” dagdag ng Senador.
Wala rin umanong basehan ang iginigiit ng iilan na maaaring mabastos sa comfort room ng mga lalaki ang mga transgender women.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.