M3.3 na lindol naitala sa Batanes

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bahagi ng Batanes ala-1:17 Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 22 kilometro Hilagang-Kanluran ng Itbayat.

May lalim lamang ang pagyanig na tatlong kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...