Julia Barretto itinangging ‘inahas’ niya si Gerald Anderson kay Bea Alonzo

Tahasang sinabi ni Julia Barretto na hindi niya boyfriend si Gerald Anderson kaya hindi niya ito inagaw kay Bea Alonzo.

Itinanggi pa ni Julia na siya ang dahilan ng hiwalayan nina Bea at Gerald.

Sa video na naka-post sa ABS-CBN News Online, sinabi ni Julia na wala siyang inahas at wala siyang nilandi.

“Hindi ko siya naging boyfriend and hindi ko siya boyfriend ngayon. Therefore, wala akong inagawan ng boyfriend, wala akong inahas at saka wala din akong nilandi,” pahayag ng dalaga.

Giit ni Julia, sa ngayon ay matalik niyang kaibigan si Gerald at hindi siya niligawan ng aktor.

Matapos ang kontrobersya ay nasa healing process na umano ang aktres.

Pero masakit anya na nadamay ang kanilang mga pamilya.

Tama na anya ang sisihan at wala nang ibang dapat gawin kundi mag move on.

Una nang nabalita na inamin na umano ni Gerald sa ama ni Julia na si Dennis Padilla na nililigawan niya ang anak nito.

Pinayuhan naman ng komedyante ang anak na magpahinga muna sa social media.

Habang si Bea ay mas piniling manahimik na mula nang ihayag nito na bigla na lamang siyang hindi kinausap ni Gerald.

 

Read more...