Malacañang: Paghingi ng permiso ng foreign vessels hindi labag sa freedom of navigation

By Rhommel Balasbas August 23, 2019 - 02:50 AM

Binigyang katwiran ng Palasyo ng Malacañang ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat humingi ng permiso ang lahat ng foreign vessels na dadaan sa territorial waters ng Pilipinas.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na tulad ng sinabi ng presidente, gagawin ang paghingi ng permiso upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Mas maganda na rin anyang alam ng gobyerno ng Pilipinas ang pagdaan ng foreign vessels upang matiyak ang kanilang seguridad.

“Sabi nga ni Presidente, to avoid misunderstanding. Ibig sabihin mas maganda yung alam natin para we can secure them also. ‘Di ba?,” ani Panelo.

Iginiit din ng kalihim na hindi labag sa freedom of navigation ang kautusan ng presidente.

“Hindi naman, baka precisely the purpose is to secure them para alam natin kung may daraanan doon, di may escort pa silang Coastguard,” giit ni Panelo.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na wala pa siyang natatanggap na ulat kung sumusunod ang foreign vessels sa kautusan ni Duterte.

Ang kautusan ng presidente noong Martes ay matapos ang makailang beses na pagdaan ng Chinese warships sa Sibutu Strait sa Tawi-Tawi nang walang paalam sa Pilipinas.

 

TAGS: China, Chinese warships, clearance, dumaan, foreign vessels, freedom of navigation, permiso, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sibutu strait, walang abiso, China, Chinese warships, clearance, dumaan, foreign vessels, freedom of navigation, permiso, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sibutu strait, walang abiso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.