P6.8M halaga ng shabu nasabat sa Marawi City

PDEA-BARMM photo

Timbog ang dalawang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA-BARMM, pulisya at militar sa Poblacion, Marawi, Marawi City, Miyerkules ng hapon.

Ayon kay PDEA-BARMM regional Director Juvenal Azurin, kumasa sa P2.2 milyong transaksyon ng droga ang mga suspek na sina Alexander Dayondong Aliponto at Adam Pandiin.

Huli na nang malaman ng mga suspek na mga awtoridad ang kanilang pinagbentahan.

Aabot sa P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa mga suspek.

Ayon kay Azurin, lumalabas sa inisyal nilang imbestigasyon na galing sa labas ng Marawi ang mga iligal na droga.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...