WATCH: Sen. Bato nagbago ng pahayag sa isyu ng paglaya ni Sanchez
Matapos sabihin na deserve ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez ang “second chance,” tila kumambyo ng posisyon si Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Sinabi ni Dela Rosa araw ng Huwebes na dapat ay binatay na ang rape at murder convict na si Sanchez.
Unang sinabi ng senador na may pangalawang pagkakaton din ang dating alkalde sa ginawa nitong paggahasa at pagpatay kay University of the Philippines (UP) Los Baños student Eileen Sarmenta at pagpatay sa kasama nitong si Allan Gomez.
Pero nang tanungin uli ng media sa kanyang posisyon ay sinabi ni Sen. Bato na dahil sa karumal-dumal na krimen na ginawa ni Sanchez ay dapat na binitay na ito noon pa.
Ang pagbabago ng pahayag ng senador ay matapos itong batikusin sa kanyang una nitong sinabi.
Pero paliwanag ni Dela Rosa, noong 1999 na pinatay sina Sarmenta at Gomez ay umiiral ang death penalty sa bansa kaya dapat anyang binitay na dati di Sanchez.
Huwag din anya siyang sisihin dahil hindi naman siya ang gumawa ng batas na pagbabatayan sana sa isyu ng paglaya ng dating alkalde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.