M3.1 na lindol naitala sa Isabela

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Isabela alas-12:37 Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong siyam na kilometro Timog-Silangan ng Dinapigue.

May lalim ang pagyanig na 11 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...