Inaresto si Yasay ng Manila Police District (MPD) dahil sa umanoy paglabag sa banking laws.
Ito ay may koneksyon sa ilang paglabag sa General Banking Law at New Central Bank Act.
Hindi sinabi ng MPD kung saang ospital dinala ang dating kalihim pero malapit lamang umano isa headquarters.
Nabatid na nahirapang huminga si Yasay, sumikip ang dibdib nito at tumaas ang BP sa 160/100.
Tiniyak naman ng pulisya na wala silang special treatment kay Yasay.
Sakaling bumuti ang kundisyon ni Yasay at i-clear ito ng doktor ay magpapalipas ito ng magdamag sa MPD custodial and detention section.
Nag-ugat ang kaso sa pagiging dating opisyal ni Yasay ng Banco Filipino Savings and Morgages Bank.
Nagkaroon umano ng sabwatan noong 2001 at 2009 para makakuha ang Tierrasud, Inc. ng loan mula sa naturang bangko nang hindi inireport sa Bangko Sentral ng Pilipinas, bagay na itinanggi ni Yasay.