Yasay isinugod sa ospital matapos tumaas ang BP

By Len Montaño August 23, 2019 - 12:09 AM

Nasa ospital ngayon si dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay matapos tumaas ang blood pressure nito kasunod ng pag-aresto sa kanya Huwebes ng gabi.

Inaresto si Yasay ng Manila Police District (MPD) dahil sa umanoy paglabag sa banking laws.

Ito ay may koneksyon sa ilang paglabag sa General Banking Law at New Central Bank Act.

Hindi sinabi ng MPD kung saang ospital dinala ang dating kalihim pero malapit lamang umano isa headquarters.

Nabatid na nahirapang huminga si Yasay, sumikip ang dibdib nito at tumaas ang BP sa 160/100.

Tiniyak naman ng pulisya na wala silang special treatment kay Yasay.

Sakaling bumuti ang kundisyon ni Yasay at i-clear ito ng doktor ay magpapalipas ito ng magdamag sa MPD custodial and detention section.

Nag-ugat ang kaso sa pagiging dating opisyal ni Yasay ng Banco Filipino Savings and Morgages Bank.

Nagkaroon umano ng sabwatan noong 2001 at 2009 para makakuha ang Tierrasud, Inc. ng loan mula sa naturang bangko nang hindi inireport sa Bangko Sentral ng Pilipinas, bagay na itinanggi ni Yasay.

TAGS: 160/100, Bangko Sentral ng Pilipinas, banking laws, Blood Pressure, dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, inaresto, MPD, nahirapang huminga, naospital, sumikip ang dibdib, tumaas, 160/100, Bangko Sentral ng Pilipinas, banking laws, Blood Pressure, dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, inaresto, MPD, nahirapang huminga, naospital, sumikip ang dibdib, tumaas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.