DOJ dumistansya sa ulat ng pagpapalaya kay dating Mayor Antonio Sanchez

Iginiit ni Justice Secretary Menardo Guevarra na walang kinalaman ang Department of Justice o DOJ sa ulat na pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ito ay kasunod ng naging panawagan ni Senador Franklin Drilon sa DOJ na imbestigahan ng mabuti ang kaso ni Sanchez dahil ‘dugo’t pawis at luha’ ang inukol upang mapanagot ito sa kaso.

Ayon kay Guevarra, bukas ang DOJ sa pagsisiyasat dahil sa reaksyon ng tao patungkol sa epekto ng batas na pinagtibay noong 2013 at hindi na kailangan pang bantayan ng kagawaran.

Panahon na rin aniya para sa mga mambabatas na tingnan muli ang naturang batas.

Si Drilon ang kalihim ng Department of Justice na nanguna sa pagsasampa ng kasong rape at murder kay  Sanchez dahil sa pagpatay sa mga mag-aaral ng University of the Philippines – Los Banos na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez.

Nauna nang sinabi ni Bureau of Corrections Director Nicanor Faeldon na maraming violations si Sanchez kaya hindi ito basta makalalabas sa bilibid.

Read more...