Sandiganbayan kinatigan ang pagbawi sa kaso nina Aquino at Purisima sa Mamasapano massacre

By Erwin Aguilon August 22, 2019 - 05:52 PM

Kinatigan ng Sandiganbayan 4th Division ang mosyon ng Ombudsman na bawiin ang kasong graft at usurpation of authority laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III at dating PNP Chief Allan Purisima may kaugnayan sa Mamasapano massacre case.

Base sa desisyon ng korte ang pagpabor sa Motion to Withdraw Information ng Ombudsman ay hindi makaaapekto sa pagsasampa ng nararapat na kaso sa mga ito.

Ipinag-utos din ng korte ang pagso-soli ng cash bond nina Aquino at Purisima.

Maging ang Hold Departure Order ay inalis na rin ng korte.

Sa inihaing motion to withdraw information ng Ombudsman nakasaad na walang sapat na batayan ang pagsasampa ng kaso sa mga ito base sa Revised Penal Code.

TAGS: Aquino, mamasapano, purisima, Aquino, mamasapano, purisima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.