Lalawigan ng Rizal mas naghigpit sa pagbyahe at pagbebenta ng karneng baboy

By Den Macaranas August 22, 2019 - 05:23 PM

Ipinagbabawal na ng Rizal provincial government ang pagbebenta at pagbiyahe ng lahat ng uri ng farm animals maging ng kanilang mga karne ng walang kaukulang veterinary certificate, at shipping permit.

Ito ay kaugnay pa rin sa patuloy na pagdami ng kaso ng mga namamatay na alagang baboy sa nasabing lalawigan.

Sa kanilang inilabas na advisory, ipinagbabawal rin ang pagpapakain ng kaning baboy o tirang mga pagkain sa lahat ng poultry animals lalo na ng baboy.

Nilinaw naman ng tanggapan ni Rizal Gov. Rebecca Ynarez na nananatiling ligtas ang pagkain sa mga pork products na galing sa kanilang lalawiga.

Patuloy rin ang kanilang pagbabantay sa lahat ng mga poultry farms sa lalawigan kasama ang Bureau of Animal Industry.

Nauna nang inilagay sa quarantine ang mga alagang baboy sa bayan ng Rodriguez dahil sa mataas na mortality rate sa mga baboy.

Naunang nang sinabi ng Department of Agriculture na wala pang naitatalang kaso ng African Swine Flu sa bansa.

TAGS: Bureau of Animal Industry, meat, pork products, Rizal, Bureau of Animal Industry, meat, pork products, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.