Ex-NYC chair Ronald Cardema pinakakasuhan

By Erwin Aguilon August 22, 2019 - 04:49 PM

Inquirer file photo

Pinakakasuhan ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani si dating National Youth Commission chairman Ronald Cardema matapos ang sinasabing panunuhol kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Sinabi ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Zarate na ang umano’y panunuhol ay nangyari noong nakaupo pa sa NYC si Cardema para sa accreditation ng Duterte Youth Partylist.

Iginiit pa ng kongresista na kailangan ding mapatunayan ni Cardema ang alegasyon nitong mayroong emisaryong babaeng kongresista si Guanzon para sa suhulan.

Kung hindi aniya mabibigyang-linaw ito ay magdudulot ng pagdududa sa lahat ng mga babaeng mambabatas ang pagbubunyag ni Cardema.

Sinabi pa ni Zarate na kung walang ebidensya si Cardema, mangangahulugan lang na gawa-gawa lang ang alegasyon para atakihin si Guanzon at kumuha ng simpatya ng publiko na siya ay biktima ng sarili naman nitong katiwalian.

TAGS: cardema, Duterte Youth partylist, National Youth Commission, zarate, cardema, Duterte Youth partylist, National Youth Commission, zarate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.