P4.5-B na intel fund ni Duterte ipinagtanggol ng Malacanang
Nanindigan ang Malacanang na walang mali kung kalahati sa P8.28 Billion pesos na surveillance fund ang mapupunta sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kailangan kasi ng pangulo ng malaking pondo para mapangalagaan ang seguridad ng bansa.
Sa P8.28 Billion na intelligence fund aabot sa P4.5 Billion ang direktang mapupunta sa Office of the President.
Sinabi pa ni Panelo na masyadong mahirap bantayan ang Pilipinas kung kaya kailangan ng dagdag na pondo, tao, makinarya at teknolohiya.
Tiniyak ni Panelo na hindi makukurakot ang pera dahil masyadong isrtikto si Pangulong Duterte sa paggamit ng pondo ng gobyerno.
Kung mayroon man aniyang mawawalang pondo, hindi naman makaliligtas ang pangulo sa accountability.
Katwiran pa ni Panelo maari rin namang humingi ng dagdag pondo ang ibang mga departamento sa Office of the President kung kakapusin man ito sa budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.