7 katao huli sa sugal na “loteng” sa Quezon City

By Angellic Jordan August 22, 2019 - 03:21 PM

Huli sa akto ang pitong katao sa pagbibilang ng koleksyon sa ilegal na numbers game na ‘loteng’ sa Quezon City, araw ng Miyerkules.

Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nagsagawa ng operasyon ang kanilang Regional Special Operations Unit (RSOU) sa isang bahay sa East Fairview Subdivision.

Dito nahuli ang mga suspek na sina Emmanuel Delos Santos, Rowena Doctor, Rhodora Gado, Zenaida Hate, Vilma Moreno, Edgar Tadili at Mark Emmanuel Torres.

Isinailalim sa surveillance ang mga suspek matapos i-report ng ilang residente sa subdivision ang ilegal na aktibidad sa lugar.

Nakuha sa mga suspek ang ilang resibo, koleksyong pera na aabot sa P4,045 at ilang gamit sa ilegal na aktibidad.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1603 sa Republic Act no. 9287 o “An Act to Increase Penalties Against Illegal Numbers Games.”

TAGS: ncrpo. loteng, quezon city, rsou, ncrpo. loteng, quezon city, rsou

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.