Ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez maaring hindi pa makalaya – Bucor Chief Faeldon
Nilinaw ng Bureau of Corrections (BuCor) na maaring hindi pa makalaya si dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez.
Ayon kay BuCor director general Nicanor Faeldon na kailangan pang i-review ang kaniyang good conduct time allowance.
Sinabi ni Faeldon na may mga pagkakataon na may natagpuang ilegal na droga at kontrabando sa selda ni Sanchez.
Dagdag pa ni Faeldon may mga kinasangkutan din si Sanchez na nagpapakita ng hindi kagandahan ng kaniyang pag-uugali habang nasa kulungan.
Maari pa nga ayon sa BuCor chief na hindi mag-qualify si Sanchez na makalaya.
Partikular na binanggit ni Faeldon na maaring hindi maging kwalipikado si Sanchez na makalaya sa susunod na mga buwan.
“Preliminary, kasi marami siyang involvement sa some not good behavior eh baka hindi nga siya qualified, thats really the probability. He may not be qualified to go home today or in the next few months.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.