DBM at Ombudsman may pinakamalaking ibinaba sa pondo sa 2020

By Erwin Aguilon August 22, 2019 - 12:52 PM

Sampung ahensya ng pamahalaan ang matatapyasan ng pondo sa ilalim ng panukalang P4.1 trillion national budget sa susunod na taon.

Sa ilalim ng National Expenditure Program na isinumite ng Department of Budget and Management sa Kamara kabilang sa mababawasan ng pondo ang Department of Health (DOH), Industry (DTI), Labor and Employment (DOLE), Information and Communications Technology (DICT).

Ang DBM ang may pinakamalaking pondo na ibinaba kung saan mula sa kasalukuyang P3.64 billion ay magiging P2.33 billion lamang sa 2020.

Pumapangalawa sa may pinamalaking ibinabang pondo ang Office of the Ombudsman, na pinaglalaanan lamang ng P3.15 billion o 32.99 percent na mas mababa kumpara sa budget nito ngayong taon na P4.7 billion.

Samantala, mahigit doble naman ang itinaas ng inilalaang pondo para sa Department of Transportation sa susunod na taon.

Mula sa P69.4 billion ngayong 2019, tataas ito ng 111.8 percent sa P147 billion.

Noong nakaraang taon, nagkaroon na rin ng mga budget cuts sa proposed 2019 national budget, na ayon sa DBM ay resulta ng pagpapalit ng budgeting system mula sa obligations-based patungong cash-based budgeting system.

TAGS: DBM, national budget, ombudsman, DBM, national budget, ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.