Pinakamalaking bahagi ng panukalang pondo sa sektor ng edukasyon mapupunta sa DepEd

By Erwin Aguilon August 22, 2019 - 12:32 PM

Nagsimula na ang budget hearing sa Kamara may kaugnayan sa panukalang P4.1T 2020 National budget.

Dito, inilatag ng mga bumubuo sa Development Budget Coordination Committee o DBCC ang mga pupuntahan ng panukalang pondo.

Sa panukalang P673 billion na pondo ng edukasyon, P551.7 billion ang ilalaan sa Department of Education (DepEd), P68.5 billion ang mapupunta sa State Universities and Colleges (SUCs), P40.8 billion ang sa Commission on Higher Education (CHED) at ang natitirang P12 billion ang mapupunta sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sa kabuuang budget ng sektor ng edukasyon, P109.3 billion ang para sa tertiary education kung saan P35.4 billion ang ilalaan sa pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education program.

Ang nasabing halaga ang gagamiting pantustos sa mga estudyanteng naka-enroll sa mga SUC, Local Universities and Colleges at mga Higher Education Institution.

Sa budget na inilaan sa DepEd, P20 billion ang gagamitin sa pagpapatayo ng mga silid-aralan, P4.8 billion ang pambili ng mga upuan, P6.5 billion ang para sa pagsasa-ayos ng mga paaralan at P2 billion ang sa pagpapailaw sa mga eskwelahan.

Mayroon din P1.5 billion pondo na ilalan para sa paaralan sa ilalim ng DepEd na nasa malalayong lugar at apektado ng mga armed-conflict.

P12.6 billion naman ang nakalaan para sa pagbili ng mga learning resources at P9 billion para sa computerization program.

TAGS: 2020 budget, deped, Development Budget Coordination Committee, education, 2020 budget, deped, Development Budget Coordination Committee, education

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.