Bagong silang na sanggol natagpuang walang buhay sa Mandaue City

By Cebu Daily News, Dona Dominguez-Cargullo August 22, 2019 - 11:50 AM

Isang walang buhay na kasisilang lamang na sanggol ang inabandona sa national highway sa Barangay Basak, Mandaue City.

Nakita ang sanggol alas 6:00 ng umaga ng Huwebes, Aug. 22 na nakasilid sa shopping bag at iniwan sa bangketa sa Sitio Riles.

Nakakabit pa ang pusod ng sanggol nang matagpuan ng isang concerned citizen na siyang nagtungo sa Mandaue City Police Station.

Ayon sa isang pulis sa Mandaue na isa ring nurse, nasa walo hanggang siyam na buwan na ang sanggol.

Wala namang nakapansin sa kung sino ang nag-iwan ng sanggol sa lugar.

Inaalam pa ngayon ng mga otoridad kung mayroong CCTV na maaring nakahagip ng nag-iwan sa bata.

Dinala muna sa Archdiocesan Shrine of Our Lady of Fatima ang sanggol para mabasbasan bago inilibing sa public cemetery sa Barangay Pagsabungan.

TAGS: baby, cebu, Mandaue City, newborn baby, baby, cebu, Mandaue City, newborn baby

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.