2 menor de edad arestado sa pagnanakaw ng wallet, CP at cash ng dalawang dayuhan sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo August 22, 2019 - 11:01 AM

Arestado ang dalawang menor de edad sa pagnanakaw ng cellphone at wallet ng dalawang dayuhan sa Ermita, Maynila.

Ayon sa Ermita Police Station, ang dalawang suspek ay edad 16 at 17.

Biktima ng dalawa sina Hwang Dooho, 21 isang Korean national at si Mohmad Aljaroc 50 na isang Syrian national.

Sa inisiyal na imbestigasyon, naglalakad si Aljaroc sa Mabini kanto ng Salas Street nang dumating ang dalawa sakay ng motorsiklo at kinuha ang kaniyang cellphone na P85,000 ang halaga.

Nagawa naman ni Aljaroc na makasakay agad sa knaiyang kotse at masundan ang motorsiklo ng mga suspek.

Pagdating sa Bocobo Street, nambiktima pa ulit ang dalawa at kinuha naman ang wallet no Dooho na may lamang P20,000 at casino card.

Nang papatakas na ang dalawa binangga ni Aljaroc ang motorsiklong sinasakyan nila dahilan para sumemplang ang mga ito.

Nahawakan ni Aljaroc ang isa sa mga suspek habang nakatakbo ang isa pa.

Pero sa ikinasang follow-up operation ng Remedios police community precinct ay nadakip din ang isa pa.

Dinala muna sa pangangalaga ng DSWD ang mga menor de edad.

TAGS: Ermita, manila, metro, police, Robbery, Ermita, manila, metro, police, Robbery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.