Ordinansa na magpapatupad ng ‘No Garage, No Building Permit’ sa Marikina pasado na
Inaprubahan na ang ordinansa sa Marikina City na magpapatupad ng ‘No Garage, No Building Permit’ sa lungsod.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, sa ilalim ng ordinansa, lahat ng establisyimento sa lungsod ay kailangang may tiyak na paradahan o garahe sa kanilang pasilidad bago sila maisyuhan ng business permit.
Sinabi naman ni Marikina Councilor Donn Favis, ang primary author ng ordinansa, makababawas ito ng mga sasakyang nakaharang sa kalsada.
Samantala, nakatakda namang maghain din si Favis ng panukala na maglalayong alisan ng gate ang mga subdvision sa Marikina.
Ito ay para magamit ang mga subdivision bilang alternatibong ruta ng mga motorista.
Pero aminado si Favis na tututol dito ang homeowners.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.