Ayon sa Department of Agriculture (DA), maaring abutin ng dalawang linggo bago lumabas ang resulta ng pagsusuri.
Sinabi ni DA spokesperson Noel Reyes, isinumite ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang sample noong nakaraang linggo.
Aalamin kung ang pagkasawi ba ng mga baboy sa Rizal ay dahil sa African Swine Fever.
Ayon kay DA Sec. William Dar, hangga’t hindi lumalabas ang resulta ng test ay hindi sila maaring magbigay ng spekulasyon sa kung ano ang dahilan ng pagkasawi ng mga baboy.
MOST READ
LATEST STORIES