Bahagi ng Roxas Boulevard isasara mamayang hapon hanggang bukas
Pinayuhan ng Manila District Traffic Enforcement Unit ang mga motorista na isasara ang bahagi ng Roxas Boulevard simula mamayang hapon hanggang bukas bagong taon para sa new year countdown.
Alas dos ng hapon ngayong araw, December 31, 2015 hanggang ala una ng madaling araw ng January 1, 2016 ay sarado ang north at southbound lanes ng Roxas Boulevard mula TM Kalaw Street hanggang President Quirino Avenue.
Ang road closure ay para sa nakatakdang “Sulong Manila new year countdown 2016.”
Simula ala una ng hapon mamaya ay ang northbound lane na lang ng Roxas Boulevard ang pwedeng madaanan bilang paghahanda sa countdown.
Sa mga motorista na daraan sa Roxas Boulevard galing sa hilagang bahagi ng Manila-Pier Zone Area, kumaliwa sa P. Burgos Street, kanan sa Ma. Orosa Street, kanan sa TM Kalaw Street tapos ay kaliwa sa MH Del Pilar papuntang President Quirino Avenue to point of destination.
Sa mga galing naman sa Southern Part ng Maynila ay kumanan sa President Quirino Avenue tapos ay kaliwa sa Mabini to point of destination.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.