Kapitan ng barangay patay sa pananambang sa Isabela; 3 iba pa sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo August 22, 2019 - 09:58 AM

Nasawi sa pananambang ang isang kapitan ng barangay sa bayan ng Sto. Tomas sa lalawigan ng Isabela.

Nakilala ang biktima na si Manuel Ramento, kasalukuyang kapitan ng Barangay Bubug sa naturang bayan.

Ayon kay P/Capt. Frances Littaua, tagapagsalita ng Isabela Police Provincial Office, sakay si Ramento ng isang van nang pagbabarilin ng mga suspek Miyerkules (Aug. 21) ng gabi sa bahagi ng Barangay Bagabag.

Nasugatan naman sa insidente ang driver ng van na si May Glenn Padre na kagawad sa Barangay Bubug at dalawang iba pang sakay ng van kabilang ang isang anim na taong gulang na bata.

Idineklarang dead on arrival sa ospital si Ramento.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

TAGS: ambush incident, barangay captain, isabela, sto. tomas, ambush incident, barangay captain, isabela, sto. tomas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.