Israel at Saudi mangangailangan ng mga manggagawang Pinoy
Nakatakdang buksan ng Israel ang kanilang hotel at tourism industry para sa mga Filipino.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), mangangailangan ang Israel ng mga dayuhang manggagawa partikular ang Filipino workers.
Sinabi ng POEA na maaring sa buwan ng Oktubre ay magsimula na ang pagtanggap ng aplikasyon para sa mga nais magtrabaho sa Israel.
Maliban sa Israel, inanunsyo din ng Ministry of Health ng Kingdom of Saudi Arabia na mangangaulangan sila ng 1,000 babaeng nurses.
Tatanggap ang mga nurse ng P60,000 na sweldo kada buwan, at may iba pang benefits gaya ng free fare at accommodation.
Ang mga nais mag-apply ay maaring magparehistro sa website ng POEA bago magpunta ng personal sa ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.