Court orders sa STL operations hindi kikilanin ni Pangulong Duterte

By Chona Yu August 22, 2019 - 08:38 AM

Hindi kikilalanin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga court order para sa operasyon ng Small Town Lottery.

Pahayag ito ng pangulo natapos ipasara pansamantala ang operasyon ng STL, Peryahan ng Bayan at Keno dahil sa matinding korapsyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa talumpati ng pangulo sa Romblon, Miyerkules (Aug. 21) ng gabi sinabi nito na marami na ang naghain ng injunction sa korte pero hindi niya kikilalanin ang court order

Ayon sa pangulo, hindi siya naniniwala sa mga korte

Sa halip, hamon ng pangulo sa mga STL operators sumunod at huwag nang dayain ang pamahalaan.

May apat aniya na STL operators ang dumulog na sa korte pero pinagsabihan ng pangulo ang hukom na ayaw niyang magkaroon ng injunction.

Una nang sinabi ng pangulo na milyong piso ang hindi naire-remit ng STL operators sa pamahalaan.

TAGS: Keno, Peryahan ng Bayan, president duterte, STL, Keno, Peryahan ng Bayan, president duterte, STL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.