Van na may lulang mga dayuhan naaksidente sa Lapu-Lapu City, 15 ang sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo, Jimmy Tamayo August 22, 2019 - 08:24 AM

Sugatan ang 15 na katao matapos magkabangaan ang isang tourist van at isang pampasaherong jeep sa Lapu-Lapu City.

Nangyari ang aksidente Huwebes, Aug. 22 ng umaga sa kahabaan ng M.L. Quezon Avenue.

Ayon kay Nagiel Bañacia, pinuno ng City Disaster risk Reduction and Management Office ng Lapu-Lapu City, sakay ng van ang mga dayuhan habang lulan naman ng jeep ang mga manggagawa ng Mactan Export Processing Zone o MEPZ.

Nagkaroon ng head-on collision sa pagitan ng dalawang sasakyan sa bahagi ng MEPZ Gate 4.

Naipit pa sa sasakyan ang driver ng jeep na si Jefferson Utani Dayuday,  56-anyos at residente ng Brgy. Pajo.

Dinala sa private hospital sa lungsod ang mga nagtamo ng matinding sugat.

TAGS: accident, Jeepney, Lapu-Lapu City, tourist van, accident, Jeepney, Lapu-Lapu City, tourist van

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.