Driver ng SUV sugatan sa pagbangga sa concrete barrier sa Pasig

By Dona Dominguez-Cargullo August 22, 2019 - 06:39 AM

Isa ang sugatan matapos bumangga ang isang SUV sa concrete barrier sa bahagi ng Ortigas Avenue Extension sa Pasig City.

Nangyari ang aksidente Miyerkules (Aug. 22) pasado alas 10:00 ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon, bumangga ang Toyota RAV 4 na may plakang WRP 857 sa concrete barriers at nayupi ang unahang bahagi nito.

Agad namang naisugod sa ospital ang babaeng driver ng SUV.

Bumara pa sa nasabing lugar ang SUV at naapektuhan ang mga motoristang patungo ng Cainta Junction.

Madaling araw na ng Huwebes nang maialis sa lugar ang naaksidenteng sasakyan.

TAGS: accident, Ortigas Extension, pasig, Radyo Inquirer, suc, accident, Ortigas Extension, pasig, Radyo Inquirer, suc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.