Kenyan national na lumunok ng 68 pakete ng cocaine naaresto sa Thailand

By Dona Dominguez-Cargullo August 22, 2019 - 06:32 AM

Dinakip ng mga otoridad sa Thailand ang isang Kenyan National na lumunok ng 68 pakete ng cocaine para maipuslit ito.

Kinilala ang suspek na si Glenn Chibasellow Ooko, 43 anyos na bumiyahe mula Ethiopia patungong Suvarnabhumi Airport sa Thailand.

Sa x-ray, nakita ang dose-dosenang hugis oblong na items sa tiyan ng suspek.

Ayon sa Office of the Narcotics Control Board, kumpirmadong cocaine ang laman ng tiyan ng suspek.

Aabot sa 1.2 kilograms na cocaine na nasa 68 pakete ang nilunok ng Kenyan.

Maliban kay Ooko ay dinakip din ang isang Nigerian national na nag-utos sa kaniya para ipuslit ang droga.

TAGS: cocaine, drugs, kenyan national, Radyo Inquirer, thailand, cocaine, drugs, kenyan national, Radyo Inquirer, thailand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.