2 miyembro ng Buratong group patay sa engkwentro sa Pasig

By Rhommel Balasbas August 22, 2019 - 04:41 AM

PIO NCRPO photo

Patay ang dalawang miyembro ng Amin Imam Buratong criminal gang matapos mauwi sa engkwentro ang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Dela Paz, Pasig City, Huwebes ng madaling araw.

Ayon kay NCRPO Director Major General Guillermo Eleazar, kinilala ang mga suspek na sina Jalal Salamuddin, at Sampiano Razon.

Nagsagawa ang mga tauhan ng NCRPO – Regional Drug Enforcement Unit ng operasyon laban sa mga suspek sa harap ng isang convenience store sa may Felix Avenue kanto ng Kabayanihan Street.

Gayunman, habang nagkakabilihan ng droga, nakatunog ang isa sa mga suspek na pulis ang katransaksyon kaya nagpaputok ang mga ito ng baril.

Nagtangkang tumakas ang dalawa ngunit nahabol at naharang ng mga operatiba.

Ang lider ng grupong kinabibilangan ng mga suspek ay si Amin Imam Buratong na kasalukuyang nakakulong sa National Bilibid Prison (NBP).

Naaaresto si Buratong taong 2016 dahil sa operasyon nito ng shabu tiangge sa Brgy. Sto. Tomas, Pasig.

TAGS: 2 miyembro, Amin Imam Buratong, buy bust, criminal gang, Major General Guillermo Eleazar, NBP, NCRPO, pasig, patay, 2 miyembro, Amin Imam Buratong, buy bust, criminal gang, Major General Guillermo Eleazar, NBP, NCRPO, pasig, patay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.