Mga nasugatan sa bisperas ng Bagong Taon umakyat na sa 185

By Len Montaño, Mariel Cruz December 31, 2015 - 11:09 AM

injured-boy-0104
Inquirer File Photo

Umakyat na sa isangdaan at walumpu’t lima ang bilang ng nasugatan dahil sa paputok sa bisperas ng Bagong Taon at ika-sampung araw ng kampanya ng Department of Health na “Iwas-Paputok Injury Reduction 2015”.

Nadagdagan pa ang mga biktima ng mga paputok sa kabila ng mahigpit na babala ng DOH at ibang ahensya ng gobyerno.

Ayon sa DOH, sa pinaka huling tala ng mga biktima ng paputok, 155 o 86 percent dito ay mga lalaki.

Nabatid ng DOH na sa 155, 135 dito ay sugat sa kamay ang natamo habang dalawapu naman ang nakatamo ng sugat sa ulo.

Sa kabuuang bilang na 185, tatlo rito ay kinakailangan sumailalim sa pagputol sa bahagi ng katawan.

Mahigit isang daan naman sa mga fireworks related injuries ay dahil pa rin sa ipinagbabawal na piccolo.

Samantala, nadagdagan ng isa ang kaso ng stray bullet incident at nakikilala ang biktima na isang siyam na taong gulang na batang babae na nakatira sa Marikina City.

Binabantayan din ng ahensya ang mga kaso ng ligaw na bala gaya ng batang namatay sa Bulacan na kalaunan ayon sa mga pulis ay aksidenteng nabaril ng kanyang kapatid at hindi biktima ng stray bullet.

Pinakamaraming nabiktima ng paputok sa Metro Manila, sunod sa mga rehiyon ng Davao at Bicol.

Naaalarma pa rin ang DOH sa dami ng mga biktima kahit mas mababa ng labing-anim na porsyento ang bilang
kumpara noong nakaraang taon.

Nagpaalala ang DOH sa mga mapuputukan na agad na magpabakuna ng anti-tetanus upang maiwasan ang paglala ng matatamong sugat.

TAGS: doh, nasusugatan dahil sa paputok, doh, nasusugatan dahil sa paputok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.