Domestic workers sa MIMAROPA may taas-sahod ngayong buwan

May umento sa sahod ang domestic workers sa Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan (MIMAROPA) simula ngayong buwan.

Ayon sa National Wages and Productivity Commission makatatanggap na ng P3,500 kada buwan ang domestic workers.

Ito ay matapos maglabas ang regional wage board ng kautusan para sa karagdagang P1,000.

Sakop ng umento ang lahat ng lalawigan sa rehiyon kabilang ang Calapan City at ang Puerto Princesa na isang highly urbanized city.

 

 

Read more...