Dela Rosa: Sanchez deserve ang ‘second chance’

By Len Montaño August 22, 2019 - 02:01 AM

Naniniwala si Senator Ronald dela Rosa na dapat bigyan ng pangalawang pagkakataon ang convicted rapist at murderer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Dela Rosa, na dating pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor), “deserve” ni Sanchez ang “second chance.”

Noong siya ang BuCor chief ay wala siyang natanggap na anumang ulat ukol sa hindi magandang gawi ni Sanchez.

Paliwanag pa ng senador, kung para sa Board of Pardons and Parole ay pwedeng bigyan ang dating alkalde ng commutation ay bakit naman ito ipagkakait sa kanya.

Isa si Sanchez sa mahigit 10,000 inmates na malapit nang lumaya alinsunod sa Republic Act No. 10592 kung saan nadaragdagan ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) na ibinibigay sa convict.

Sinabi pa ni Dela Rosa na maaari namang suriin ang individual record ng inmate para malaman kung talagang naging mabait na ito.

Si Sanchez ay nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa rape-slay kay University of the Philippines-Los Baños student Eileen Sarmenta at pagpatay sa nobyo nitong si Alan Gomez.

 

TAGS: Alan Gomez, dating Calauan, deserve, Eileen Sarmenta, Good Conduct Time Allowance, Laguna mayor Antonio Sanchez, Ronald dela Rosa, second chance, Alan Gomez, dating Calauan, deserve, Eileen Sarmenta, Good Conduct Time Allowance, Laguna mayor Antonio Sanchez, Ronald dela Rosa, second chance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.