Paolo Ballesteros umamin ng miyembro siya ng LGBT+ community

By Len Montaño August 22, 2019 - 01:23 AM

Matapos ang matagal ng isyu ukol sa kanyang sekswalidad, sa wakas ay umamin na rin si Paolo Ballesteros na proud member siya ng LGBT+ community.

Paliwanag ni Paolo, hindi niya kinailangang kumpirmahin ang kanyang sexuality dahil kung ano anya ang nakikita sa kanya ng publiko ay ganoon na iyon.

Kung natagalan man anya ang kanyang paglaladlad ay dahil ayaw lang ng komedyante na maging isyu na isa siyang gay.

Kung ano anya ang nakikita sa kanyang sarili ay hindi na ito kailangang ipangalandakan pa.

Pag-amin naman ni Paolo, hirap na siyang gumanap ng karakter ng lalaki sa ngayon.

Natutuwa at na-eexcite ang Eat Bulaga host kapag girl role ang kanyang ginagampanan.

Balang raw ay nais din umano ni Paolo na magkaroon ng asawa o legal partner na lalaki.

Samatala, kaugnay ng isinusulong na SOGIE bill, suportado ni Paolo kung saan at ano anya ang mas makakabuti sa lahat.

 

TAGS: eat bulaga, gay, LGBT+community, natagalan, Paolo Ballesteros, sexuality, SOGIE bill, umamin, eat bulaga, gay, LGBT+community, natagalan, Paolo Ballesteros, sexuality, SOGIE bill, umamin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.