Dating Pang. Noynoy Aquino may trangkaso kaya wala sa death anniversary ng ama

By Len Montaño August 22, 2019 - 12:43 AM

Inihayag ni dating Pangulong Noynoy Aquino na walang dapat ipag-alala at hindi naman grabe ang kanyang kundisyon kaya hindi siya nakadalo sa event para sa 36th death anniversary ng amang si dating Senador Ninoy Aquino.

Sa isang pahayag, nilinaw ni Aquino na mayroon lamang siyang trangkaso kaya wala siya sa misa araw ng Miyerkules.

Pahayag ito ng dating pangulo matapos sabihin ng kanyang kapatid na si Kris Aquino na hindi okay ang kanyang kuya.

Sinabi ni Aquino na nakakaranas siya ng mga sintomas ng trangkaso gaya ng ubo, sipon at siya ay giniginaw.

Umiinom na umano siya ng gamot na inireseta ng kanyang doktor.

Tiniyak ni Aquino na hindi siya nagsisinungaling o naglilihim at sadyang karaniwang sakit na trangkaso ang tumama sa kanya.

Natsambaha umano ang dating pangulo dahil sa papalit-palit na panahon na mainit tapos ay uulan.

Dagdag nito, wala silang komunikasyon ngayon ng kapatid na si Kris.

 

TAGS: 36th death anniversary, dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Senador Ninoy Aquino, Kris Aquino, not okay, trangkaso, 36th death anniversary, dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Senador Ninoy Aquino, Kris Aquino, not okay, trangkaso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.