Ayon kay Espino, kailangan ang preemptive action ng mga kaukulang tanggapan sa lalawigan gayundin ng national agencies para tiyak na hindi apektado ng African Swine Fever (ASF) ang Pangasinan.
Nakapaloob sa temporary ban ang pagbebenta ng mga baboy na manggagaling sa ibang lugar sa Luzon.
Layon ng hakbang na hindi makapasok sa probinsya ang ASF.
Sa pulong ng pamahalaang panlalawigan at mga district veterinarians araw ng Miyerkules, napagkasunduan ang pina-igting na quarantine checkpoint sa mga pwedeng pasukan at labasan ng mga baboy.
Ayon sa Provincial Veterinary Office, walang ASF sa Pangasinan kaya walang dapat ikatakot ang publiko.
Gayunman ay nagpapatupad na ng mahigpit na inspeksyon sa mga babuyan, palengke, katayan at backyard hog raisers.