Pag-angkat ng baboy sa ibang lalawigan ipinagbawal muna sa Pangasinan

By Len Montaño August 22, 2019 - 12:26 AM

Pansamantalang ipinagbawal sa Pangasinan ang pag-angkat ng baboy mula sa ilang lalawigan sa utos ni Governor Amado Espino III.

Ayon kay Espino, kailangan ang preemptive action ng mga kaukulang tanggapan sa lalawigan gayundin ng national agencies para tiyak na hindi apektado ng African Swine Fever (ASF) ang Pangasinan.

Nakapaloob sa temporary ban ang pagbebenta ng mga baboy na manggagaling sa ibang lugar sa Luzon.

Layon ng hakbang na hindi makapasok sa probinsya ang ASF.

Sa pulong ng pamahalaang panlalawigan at mga district veterinarians araw ng Miyerkules, napagkasunduan ang pina-igting na quarantine checkpoint sa mga pwedeng pasukan at labasan ng mga baboy.

Ayon sa Provincial Veterinary Office, walang ASF sa Pangasinan kaya walang dapat ikatakot ang publiko.

Gayunman ay nagpapatupad na ng mahigpit na inspeksyon sa mga babuyan, palengke, katayan at backyard hog raisers.

TAGS: African Swine Fever, baboy, bawal muna, Governor Amado Espino III, pag-angkat, pangasinan, temporary ban, African Swine Fever, baboy, bawal muna, Governor Amado Espino III, pag-angkat, pangasinan, temporary ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.