Pilipinas nakaranas ng malamig na panahon sa huling araw ng taong 2015

By Len Montaño December 31, 2015 - 09:57 AM

cold-weather
Inquirer File Photo

Taliwas sa pagtaas ng temperatura sa ibang bahagi ng mundo, naramdaman naman ang malamig na panahon sa Pilipinas sa huling araw ng taong 2015.

Ayon sa PAGASA, sa ngayon ang pinakamalamig na temperatura mula ng pumasok ang hanging amihan noong October 15 ay naitala noong Martes December 29.

Naitala ng PAGASA ang 12.8 degrees celsius na temperatura sa Baguio City habang narehistro ang 16.5 degrees celsius sa Malaybalay, Bukidnon.

Samantalang sa Basco, Batanes ay bumagsak ang temperatura sa 19.6 degrees celsius.

Sinabi ng Weather Bureau na magpapatuloy ang malamig na panahon hanggang sa pagpasok ng bagong taon na 2016 dahil sa umiiral na northeast monsoon.

Kalimitang umaabot ang peak ng amihan sa Enero hanggang unang bahagi ng Pebrero.

Mananatili rin ang magandang panahon hanggang sa mga unang araw ng bagong taon.

Pero posible ang light monsoon rains sa Cagayan Valley o Region 2 habang sa natitirang bahagi ng Luzon ay asahan ang generally fair weather na may isolated light rains.

TAGS: Malamig na panahon, Pagasa, Pilipinas, Malamig na panahon, Pagasa, Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.