Jeremy Renner nais manatili sa Marvel si Spider-Man

By Len Montaño August 21, 2019 - 11:58 PM

Hiniling ni Hollywood actor Jeremy Renner sa Sony Pictures na manatili sa Marvel ang superhero na si Spider-Man.

Pahayag ito ni Renner sa gitna ng umanoy posibleng paghihiwalay ng Marvel Studios at Sony Pictures na mayroong film rights sa karakter ng aktor na si Tom Holland.

Sa kanyang post sa social media ay binanggit pa ni Renner ang pangalan ng yumaong comic book legend na si Stan Lee.

Kapag natapos na ang deal sa pagitan ng dalawang film companies ay hindi na lalabas si Spider-Man sa anumang pelikula ng Marvel Studios na pag-aari ng Disney.

Si Renner ang gumaganap sa karakter ni Hawkeye na kasama sa grupo ng Avengers sa ilalim ng Marvel Cinematic Universe (MCU).

Ikinalungkot ng mga fans ang posibilidad na mawala na si Spider-Man sa Marvel kasama ang iba pang superheroes.

Sinasabing ang hatian sa kita ang dahilan ng napipintong pagkalas ng Sony sa deal sa Disney.

Liban sa pagkakaroon ng sariling pelikula, lumabas si Spider-Man bilang Avenger sa mga pelikulang “Civil War,” “Infinity War” at “Endgame.”

 

View this post on Instagram

 

Hey @sonypictures we want Spider-Man back to @therealstanlee and @marvel please, thank you #congrats #spidermanrocks #🏹 #please

A post shared by Jeremy Renner (@renner4real) on Aug 20, 2019 at 7:16pm PDT

TAGS: deal, Disney, Hawkeye, Jeremy Renner, manatili, Marvel, Sony Pictures, Spider Man, Stan Lee, Tom Holland, deal, Disney, Hawkeye, Jeremy Renner, manatili, Marvel, Sony Pictures, Spider Man, Stan Lee, Tom Holland

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.