Timbog ang isang lalaki at isang babae na umano’y tulak ng droga sa Quezon City.
Nakilala ang mga suspek na sina Joan Polistico, 31 anyos at Jeric Leonardo, 29 anyos at parehong residente ng Quezon City.
Base sa ulat ng Quezon City Masambong Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen tungkol sa ginagawang aktibidad ng mga suspek kaugnay sa ipinagbabawal na droga.
Agad romesponde ang mga pulis sa Barangay Pagasa alas 3:15 Miyerkules ng hapon, dahilan para mahuli ang mga suspek at makuha ang tatlong sachet ng shabu at isang cellphone.
Nabatid na ang mga suspek ay nasa drug watch list ng Quezon City Police District (QCPD).
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.